
Kinumpirma ni Vice President Sara Duterte na isang Pilipinong abogado ang kabilang sa legal team ng dating Pangulong Duterte.
Ayon kay VP Sara, kailangan ng Filipino lawyer sa team dahil mayroon aniyang i-aargue sa kaso na may kaugnayan sa batas ng Pilipinas.
Sa ngayon aniya ay may insiyal na limang abogado ang dating pangulo.
Ang kabuuang bilang aniya ay depende pa sa magiging dami ng gagawing trabaho sa kaso.
Sinabi ni VP Sara na sa ngayon ay nasa screening process pa sila ng itatalagang Filipino lawyer.
Nanindigan naman ang pangalawang pangulo na huwag pangalanan ang iba pang mga dayuhang abogado na makakatulong ni Atty. Nicholas Kaufman.
Facebook Comments