You're viewing an older RMN Networks article from our archives.

Isang fitness gym sa Pasig, pinasara matapos lumabag sa IATF guidelines

Nilagyan na ng mga pulis ng sticker na nakasaad na sarado na ang pinaka-entrance door ng isang fitness gym sa Brgy. Manggahan sa Pasig City dahil sa paglabag sa Inter-Agency Task Force (IATF) guidelines na social distancing at social gathering.

Sa ulat ng Eastern Police District, ang establisyemento na ito ay ang Kixstart Fitness Gym.

Kinilala ang may-ari na si Francis Dominic Balones Rosales, 33-anyos, residente ng Paranaque City, habang ang mga gym instructor ay kinilalang sina Jaster Vincent Garcia Molo, 26-anyos at John Lloyd Dado Valenzuela, 29-anyos at gym helper na si Justine Joshua Lauron, 20-anyos.

Ang lahat ng lumabag, kasama ang mga parokyanong naaktuhan, ay dinala sa Brgy. Manggahan, Mutipurpose Hall sa Pasig City.

Facebook Comments