Isang flight ng China Southern Airlines, naantala dahil ginawang wishing well ang engine nito

Panghimagas – Naantala ng ilang oras ang isang flight sa China Southern Airlines dahil sa mga baryang tinapon sa engine nito.

Ayon sa ulat, isang 80-anyos na mapamahiing lola na hindi na pinangalanan ang nagtapon ng mga barya at mistulang ginawang “wishing well” ang engine ng eroplano para sa ligtas na biyahe.

Sa ulat ng mga pulis, siyam na barya ang tinapon ng lola at isang lamang ang nakita sa loob ng engine dahilan para palikasin ang 150 mga pasahero.


Kasama ng lola ang kanyang asawa, babaeng anak at manugang nito, at pinatawag din ng awtoridad para tanungin ukol sa pangyayari.

Facebook Comments