Isang foreign journalist sa Marawi City, sugatan

Manila, Philippines – Sugataan ang isang foreign journalist sa Marawi City matapos madaplisan sa leeg ng ligaw na bala kaninang umaga.

Kinukunan daw ni Adam Harvey ng Australian Broadcasting Company o ABC ang mga evacuees sa evacuation center sa Lanao Del Sur Capitol Complex nang tamaan ng ligaw na bala.

Ayon kay Col Emmanuel Garcia ng task force Marawi agad naman itong dinala sa Amai Pakpak Hospital at ngayo’y nasa maayos nang kondisyon.


Hindi pa tiyak ngayon kung saan galing ang balang nakasugat sa banyaga.

Inaalam naman ng militar kung maliban sa foreign journalist ay may tinamaan pang sibilyan.

Facebook Comments