Isang form ng SAC ng DSWD, pinaghahatian ng 3 pamilya sa Brgy. Mambugan, Antipolo City

Kinuwestyon ng mga residente ng Barangay Mambugan, Antipolo City ang pamamahagi ng mga Staff ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng Social Amelioration Card (SAC) ng DSWD program dahil binibigyan sila ng isang SAC form pero tatlong pamilya ang maghahati.

Ayon sa isang residente ng Barangay Mambugan na ayaw magpabanggit mg kanyang pangalan dahil sa tindi ng gutom na kanilang nararanasan ay pabor na sila sa isang SAC form ng DSWD program pero ang problema umano hanggang ngayon ay wala pang ibinibigay sa kanila.

Paliwanag ng mga residente ng Barangay Mambugan pinuntahan sila ng mga tauhan ng DSWD kasama ang mga opisyal ng Barangay para ipaliwanag na isang SAC form ang ibibigay paghahatian ng tatlong pamilya na labis nilang ikinalungkot dahil taliwas umano ito sa naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na isang form sa bawat isang pamilya.


Nanawagan ang mga residente ng Barangay Mambugan kay Pangulong Duterte na paimbestigahan ang kanilang barangay sa Commission on Audit (COA) upang malaman kung pinapahintulutan na tig-isang form ng SAC sa bawat tatlong pamilya na maghahati.

Nais din ng mga residente na malinawan kung ang naturang kautusan na tig-isang SAC form paghahatian ng tatlong pamilya ay nanggagaling ba talaga ang utos sa tanggapan ng DSWD o sa ilang mga tauhan lamang ng naturang ahensiya.

Facebook Comments