Isang free trade act, inendorso ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ASEAN Foreign Ministers

Manila, Philippines – Hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga ASEAN leaders na magkaisa para sa seguridad ng rehiyon.

Ito’y kasabay ng nangyayaring tensyon sa Korean Peni*n*sula.

Inendorso rin ng pangulo sa mga Foreign Ministers ang pagsusulong ng regional comprehensive economic partner o isang free trade act ng mga ASEAN members at mga partner nito gaya ng China, South Korea, India, Australia, Japan at New Zealand.


Malaki aniya ang tulong nito para mapasigla ang mga bansa dahil mababawasan ang mga balakid ng mataas na taripa.

Kasabay nito, kinilala ng pangulo ang founders ng ASEAN mula sa limang bansa kabilang na ang foreign minister ng Pilipinas noon na si Nicanor Ramos.

Facebook Comments