ISANG GATE NG SAN ROQUE DAM, BINUKSAN KAHAPON

Binuksan kahapon ng 0.5 metro ang isang gate ng San Roque Dam upang pababain ang antas ng tubig dulot ng sunod-sunod na bagyo at habagat.

Inaasahang mabawasan ang tubig sa dam ng 65 cubic meters bawat segundo.

Kahapon, umabot na sa 277.86 metro ang lebel ng tubig—malapit sa spilling level na 280 masl.

Ayon sa mga opisyal, panseguridad lamang ang pagbubukas at halos wala itong epekto sa mga ilog.

Patuloy naman ang pagbabantay sa lagay ng panahon, lalo’t may buhos pa ng tubig mula sa Ambuklao at Binga dams sa itaas ng San Roque.

Naglabas ng abiso sa mga bayan sa Pangasinan ukol sa posibilidad ng karagdagang pagpapakawala ng tubig kung magpapatuloy ang malakas na pag-ulan.

Pinayuhan ang mga residente sa tabi ng ilog na maging alerto at maghanda.

Ilang bahagi naman sa lalawigan ng Pangasinan ang nananatiling binabaha dahil sa mga naunang pag-ulan at pag-apaw ng ilang kailugan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments