Isang gate sa Magat at Ipo Dam, binuksan habang lumalayo ang Bagyong Karding sa Luzon, ayon sa PAGASA

Kinumpirma ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na nagbukas ng isang gate sa Magat at Ipo Dam matapos tumaas ang lebel ng tubig ng mga ito dahil sa walang tigil na ulan na dulot ng Bagyong Karding.

Ayon kay PAGASA Administrator Vicente Malano, bago pa dumating si Bagyong Karding ay nag-preemptive release na yung nasabing dalawang dam.

Tiniyak din ni Malano sa pangulo na ligtas ang mga residente na malapit sa mga dam.


Kasunod nito, inihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na patuloy na bantayan ang mga dam at palaging isaalang-alang ang mga lugar na maaapektuhan ng pagpapakawala ng tubig.

Samantala, sa ngayon ay bumaba na sa 186.76 meters ang lebel ng tubig ng Magat Dam sa lalawigan ng Isabela mula sa 190 meters.

Habang, ang Ipo Dam sa Bulacan ay bumaba na rin sa 101 meters mula sa 101.05-meters na lebel ng tubig.

Facebook Comments