Manila, Philippines – Isang maswerteng ginang ang napili sa “Tawag ng Tulong” ng programang Serbisyong XL ng DZXL-RMN Manila.
Ito ay si Imelda Baruga, 44-anyos ng Mirasol Street ng Barangay 177 ng Camarin, Caloocan City.
Ayon kay Ginang Imelda, wala siyang trabaho at mister lamang niya ang naghahanap buhay kung saan mayroon pa silang tatlong anak na pinag-aaral.
Kwento nito, tanging pagbebenta lang ng asin ang pinagkukunan nila ng ikabubuhay at madalas na kulang pa ang kinikita nito araw-araw.
Hiling ni Imelda na mabigyan puhunan para makapagtinda ng mga pang-almusal na malaking anyang tulong para sa kanilang pamumuhay.
Nagpapasalamat naman si Imelda sa tulong na ibibigay ng DZXL at nangako na palalaguin ito para na rin sa kapakanan ng kaniyang pamilya.
Samantala, may pang-handa sa kanilang birthday sina Fernando Ancajas ng Quezon City at Princess Rocero ng Valenzuela City matapos manalo ng P558.00 sa Ka-Birthday game habang wagi rin ng P558.00 si Kevin Concepcion ng Caloocan City para sa 558 game.
DZXL558