Isang ginang, ma swerteng napili sa “Tawag ng Tulong” ng Serbisyong XL ng RMN DZXL 558 Manila

Manila, Philippines – Isang ginang na nagtitinda ng kapeat tinapay ang bibigyang puhunan ng Serbisyong XL matapos mapili sa “Tawag ngTulong”.
  Ang 39-anyos na si Jennifer Ariola na residente ng brgy.52, Taft Avenue, Pasay City ay solong bumubuhay ngayon sa kaniyang anim na anakmatapos na sumakabilang bahay ang mister na si Rolly.
 
Hindi din nagbibigay ng tulong ang mister para sakanilang mga anak kaya’t nangutang siya ng puhunan para magtinda at nangmagkaroon ng pang-gastos sa pang-araw-araw.
  Gusto sana ni Jennifer na madagdagan ang puhunan paramadagdagan din ang tinitinda nito at nang mabayaran na din ang mgapagkaka-utang.
  Ikinatuwa naman ni Jennifer ang ibibigay ng Serbisyong XLat nangako na palalaguin ang negosyo kung saan todo-todo din ang kaniyangpasasalamat.
 
Samantala, may pambili na ng cake sina Gamaliel Caluya Jr.ng Pasay at Ma. Visitacion Nicolas ng Malabon City dahil nanalo sila ng P558.00sa ka-birthday game habang sina Lyndon Jonson ng Las Piñas at Maria TeresaBiador ng Obando, Bulacan ay mag-uuwi ng P558.00 din matapos na makasagot ngtama sa 558 game.
  Ibabalik naman ng Serbisyong XL ang naibayad sa kuryenteni Cecilia Reyes  ng Las Piñas(P1,928.00) habang papalitan din ang naibayad sa tubig nina anna sadia(P796.00), Marites Tau (P725.00) at Ma. Felly Almabra (P430.00) na pawang mgaresidente ng Quezon City.

Facebook Comments