Isang ginang na taga-Mandaluyong City, nabigyan ng puhunan matapos maswerteng mapili sa Tawag ng Tulong ng Serbisyong XL

Manila, Philippines – Isang 37-anyos na misis ang bibigyan ng puhunan ng Serbisyong XL matapos mapili sa “Tawag ng Tulong.”

Si Maricel Palindan ng Calbayog Street, Brgy. Highway Hills, Mandaluyong City ay muling napasaya ng DZXL dahil sa dinadala nitong problema sa kaniyang pamilya.

Napag-alaman kasi na nagtitinda lang ng mineral water sa mga bus ang kaniyang mister na si Pascual kung saan dati siyang janitress at dati din nagtitinda ng fishball.


Magkasama din ang mag-asawa sa pagtataguyod sa pito nilang anak at tanging pagbebenta lamang ng tubig ang kanilang diskarte sa buhay.

Nais ni Maricel na madagdagan pa sana ang kanilang puhunan para muling maibalik ang pagtitinda ng streetfoods na malaking tulong para sa kanilang pamumuhay.

Nagpapasalamat naman si Maricel sa tulong na ibibigay ng DZXL at nangako na palalaguin ito para na din sa kapakanan ng kaniyang pamilya.

Samantala, may panghanda sa kanilang birthday sina Kurt Ezekiel Dominguez ng Laguna at Resurrecsion Valenzuela ng Pasig City matapos manalo ng P558.00 sa Ka-Birthday Game
DZXL558

Facebook Comments