Manila, Philippines – Isang ginang na tindera ng gulay ang maswerteng bibigyang puhunan ngayon ng Serbisyong XL matapos mapili sa “Tawag ng Tulong”.
Ang 68-anyos na si Teodora Pavia na residente ng Don Enriquez Street, Brgy. Nagkaisang Nayon, Novaliches Quezon City ay nagbebenta ng gulay sa palengke kung saan kasama niya dito ang apat na anak.
Nabatid na ang iba sa mga tinitinda ni Teodora ay kinukuha niya lamang sa dealer kung saan kumikita lamang siya ng konti sa tubo ng mga ito.
Gusto sana ni Teodora na masolo na ang pagtitinda ng gulay nang magsimula na din itong magbenta sa kanilang bahay lalo na’t malayo ang balintawak market dahil ayaw din niyang mahinto sa negosyo.
Dahil dito, tutulungan siya ng Serbisoyng XL na matupad ang nais niya at nang lumago na din ang kaniyang pagtitinda ng gulay na lubos naman nitong ipinagpasalamat.
Samantala, may pampanood na ng sine sina Lucy Honrado ng Bocaue, Bulacan at Neil Araban ng Valenzuela City matapos na manalo ng P558.00 sa ka-birthday game.
Ibabalik naman ng Serbisyong XL ang naibayad sa tubig ni Rose Jean Colongan ng Quezon City (P523.00) habang papalitan din ang naibayad sa kuryente nina Lydia Riototar ng Q.C. (P931.00), susan pagtalunan ng bicutan (P1,123.000, Patrocina Bautista (P346.00) at Arnie Ramos (P553.00) na kapwa residente ng Caloocan City.
DZXL558