Isang ginang, natangayan ng anak sa Luneta Park

Manila, Phlippines – Halos walang patid ang pagluha ng isang ginang matapos tangayin ang kanyang anak sa Luneta Park, Maynila.
Ayon sa ginang na si Sarah Bla Matanguil, noong November 28 kinuha ang kaniyang anim na buwang anak na lalaki nang kaniya itong iniwan nang magpunta sa Luneta Park.
Nabuhayan naman siya ng loob ng isuko ang isang ginang na halos kamukha daw ng tumangay ng kaniyang anak base na din sa kuha ng CCTV.
Pero noong nagharap sila sa Manila Police District ay mariin itinanggi ng babae ang akusasyon.
Pinakawalan din ito ng mga pulis dahil hindi siya ang suspek na nakita sa CCTV at wala ding sapat na ebidensya.

Facebook Comments