Isang Ginang sa Tumauini, Isabela, Dinakip ng mga otoridad!

119

Tumauini, Isabela – Nahuli ng mga otoridad ang isang ginang matapos isilbi ang Warrant of Arrest nito pasado alas dose ng tanghali sa Brgy. Antagan 1st, Tumauini, Isabela.

Ang nadakip ay kinilalang si Marlyne Allas Taberna, trentay tres anyos, may asawa at residente ng nasabing lugar.


Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, inaresto ng mga kasapi ng PNP Tumauini si Taberna matapos magpalabas ng Warrant of Arrest si hukom Corazon P. Blanco ng 3rd MCTC Tumauini- Delfin Albano, Isabela dahil sa kasong Adultery.

Nasa kustodiya na ng PNP Tumauini si Taberna para sa kaukulang dokumentasyon bago dalhin sa court of origin nito.

Samantala, pansamantalang makakalaya lamang ang akusado kung makakapaglagak ng kanyang piyansang labindalawang libong piso.

Facebook Comments

From Advertisers