Isang gobernador na nang ipit umano ng dokumento sa kaniyang tanggapan, kakasuhan

1216

Manila, Philippines – Kakasuhan ng paglabag sa anti-red tape law ang isang gobernador bukas sa tanggapan ng Ombudsman.

Ito ang isiniwalat ni ARTA Director General Jeremiah Belgica, sa isinagawang economic briefing sa Malakanyang.


Sinabi ni Belgica na napatunayan sa isinagawa nilang imbestigasyon na inipit ng gobernador ang mga dokumentong dapat ay inilabas ng kaniyang tanggapan.

Tumanggi namang pangalanan ni Belgica ang gobernador hangga’t hindi pa naisasampa ang kaso.

Kaugnay nito, sinabi ni Belgica na sa loob ng 100 araw nila sa pwesto, nakapagsampa na sila ng 8 kaso sa tanggapan ng Ombudsman laban sa mga opisyal ng gobyerno na lumabag sa anti-red tape law.

Kabilang aniya rito ang dalawang opisyal mula sa registry of deeds, isang alkalde ng isang siyudad, isang clerk at tatlong opisyal ng LTFRB.

Iginiit ni Belgica na sa ilalim ng batas, dapat ay hindi abutin ng isang linggo o hanggang tatlong araw lamang ang paglalakad ng publiko ng mga kailangan nilang dokumento para sa simpleng transaksyon, at 15 hanggang 30 araw lamang kung malalaki ang transaksyon para sa pagnenegosyo.

Facebook Comments

From Advertisers