Isang Granada, natagpuan sa tapat ng isang opisina sa Port Area, Maynila

Patuloy na iniimbestigahan ng Manila Police District (MPD) Station-13 ang natagpuang granada sa Port Area, Maynila.

Ayon kay MPD Station-13 Commander Police Lt. Col. Robert Domingo, alas-9:30 ng umaga nang matagpuan ng isang pedicab driver ang granda sa loob ng isang kariton sa may kanto ng Railroad at 25th Street.

Sinabi ni Domingo na ini-report sa kanila ang nasabing granada kung saan tanggal na ang safety pin nito.


Agad na rumesponde ang Explosive Ordinance Disposal Unit ng MPD at ng Philippine Coast Guard (PCG) para ikordon ang lugar at napagdesisyunan nila na pasasabugin ang granada dahil hindi na maaaring ibalik pa ang safety pin nito.

Inaalam na ng mga awtoridad ang taong responsable sa pag-iiwan ng granada sa tapat lamang ng print at digital newspaper na Philippine Star.

Facebook Comments