Isang Graphic Artist at Tsuper, Arestado sa Magkahiwalay na Operasyon dahil sa Pagtutulak ng Droga!

57

Bagsak sa kulungan ang dalawang lalaking tulak ng droga matapos madakip sa magkahiwalay na operasyon ng mga awtoridad dito sa rehiyon dos.

Kinilala ang isa sa mga naaresto na si Joseph Calica Pattaui, trentay kwatro anyos, isang graphic artist at residente ng Brgy. Silauan Norte, Echague, Isabela.


Dinakip ng mga otoridad si Pattaui sa bisa ng Warrant of Arrest na inihain ng korte dahil sa Paglabag nito sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Samantala, timbog rin ang isang drayber na si Leo Enrique Gonzales na residente naman ng Gundaway, Cabarroguis, Quirino matapos mahulog sa ikinasang Drug Buy Bust Operation ng mga otoridad sa brgy. Zamora, Cabarroguis, Quirino.

Nakumpiska mula sa suspek ang isang sachet ng hinihinalang shabu habang inihahanda naman ng PNP Cabarroguis ang kasong kakaharapin rin nito na Paglabag sa RA 9165.

Facebook Comments