Isang grupo, hinimok ang PNP na sumailalim sa pagsasanay sa PWDs awareness and sensitivity

Hinimok ng Organization for Pinoys with Disabilities Inc. ang Philippine National Police (PNP) na magkaroon ng pagsasanay kaugnay sa awareness at sensitivity sa mga persons with disabilities (PWDs).

Kasunod na rin ito ng insidente ng pagpatay sa isang 18-anyos na may special needs na si Edwin Arnigo, matapos ang isinagawang anti-tupada operation ng mga otoridad.

Naniniwala ang grupo na dapat lamang sumailalim ang mga pulis sa pagsasanay upang maiwasan na ang mga krimen kung saan napapatay ang mga walang kalaban-laban na may mga kapansanan.


Mariin namang kinokondena ng grupo ang nangyaring krimen sa binatilyong si Arnigo na anila’y “senseless at disturbing”.

Facebook Comments