Isang grupo, humirit ng libreng face shield sa DOTr kung itutuloy ang paggamit ng face shield sa pagbabalik ng public transportation

Humihirit sa Department of Transportation (DOTr) ang isang grupo na nangangalaga sa mga pasahero ng libreng face shield.

Ito ay kasunod na rin ng kagustuhan ng DOTr na magsuot ng face shield ang mga pasahero sa tuwing sasakay sa mga pampublikong sasakyan.

Ayon kay Atty. Ariel Inton, presidente ng Lawyers for Commuters Safety and Protection, kapos na sa budget ang mga pasahero dahil sa pandemya at sinasamantala pa ng mga negosyante ang nasabing sitwasyon.


Kasabay nito, dapat umaksyon na rin at huwag tumunganga ang Department of Trade and Industry (DTI) para mabantayan at maitama ang presyo nito.

Samantala, kung sakaling dinggin ng DOTr ang kanilang hiling, maaaring ipamigay ang libreng face shield sa mga terminal.

Facebook Comments