Isang grupo mula Bacolod, nagsumite ng mga ebidensya sa ICI kaugnay ng maanomalyang flood control projects sa kanilang lugar

Nagsumite ng mga ebidensya sa Independent Commission on Infrastructure (ICI) ang kinatawan ng Council of Concerned Citizens mula sa Bacolod City, Negros Occidental.

Ayon kay Atty. Renecito Novero, kinatawan ng grupo, sila ay binubuo ng private citizens, professionals, mga abogado at engineers na nagsasagawa ng sariling imbestigasyon sa mga katiwalian sa infrastructure at flood control projects.

Umaapela rin ang grupo sa ICI at sa Senado na imbestigahan ang naturang katiwalian na naglagay sa panganib sa buhay at ari-arian ng kanilang mg kababayan sa Bacolod City.

Sinabi ni Atty. Novero na 30-50 proyekto sa kanilang lugar ang may katiwalian.

Naniniwala aniya ang kanilang grupo na may mga lokal na opisyal sa Bacolod City ang nakinabang sa nasabing korapsyon.

Facebook Comments