Isang grupo ng Commuters, nais linawin sa LTFRB ang magiging sistema sa fare discount sa mga PUV

Nais ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) na ipa-klaro sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB ang magiging sistema sa pagbibigay ng fare discount sa lahat ng Public Utility Vehicle (PUV).

Ayon kay LCSP President Atty. Ariel Inton, dapat klaruhin kung anu-anong mga sasakyan ang sakop ng fare discount.

Paliwanag ni Atty. Inton na bagama’t tumutukoy sa jeep, bus at UV Express, nais nilang malaman kung sakop ba nito ang lahat ng ruta sa buong bansa.


Dagdag pa ni Inton na kung hindi sasakupin ng fare discount ang lahat ng mga unit, posibleng makalikha lamang ito ng kalituhan ng mga pasahero at driver.

Una ng umalma ang grupong Manibela sa planong fare discount ng Department of Transportation dahil may ilang miyembro nila ang posibleng hindi mapasama sa programang ito.

Tanong nila, paano naman anila ang mga tsuper at operator na hindi mapapasama sa programang ito ng LTFRB.

Facebook Comments