Sa naturang kaganapan, pinilit umano ang matandang ginang na umakyat sa entablado para sa isang “auction” ng halik kapalit ng limang libong piso.
Pinasimulan umano ang “bidding” sa halagang P1,000 at umabot sa P5,000, kung saan tila ginawang premyo umano ang matandang babae.
Ayon kay GABRIELA Secretary-General Clarice Palce, ito ay malinaw na pananamantala at pambabastos at hindi maituturing na tulong o kawanggawa.
Dagdag pa niya, paglabag sa dangal ng kababaihan ang naturang insidente.
Umapela naman ang grupo sa Commission on Elections o COMELEC na imbestigahan ang insidente at panagutin ang mga opisyal.
Hinikayat din nila ang publiko na iboto ang mga kandidatong tunay na nagbibigay halaga sa karapatan at dignidad ng kababaihan.| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









