Isang grupo ng mga magsasaka, nakahandang patunayan na may magsasaka na kinitil ang buhay dahil sa pagkalugi

Patutunayan umano ng isang grupo ng mga magsasaka na totoong may nagbigti sa sarili na magsasaka dahil sa pagkalugi sa bentahan ng aning palay.

Dumating kanina sa Department of Agriculture (DA) central office ang mga miyembro ng Pindangan 2nd Primary Multipurpose Cooperative sa Camiling Tarlac upang pabulaanan ang ipinahayag ni Asec. De Mesa.

Nauna rito, sinabi ni De Mesa sa isang presscon noong Sabado na fake news ito dahil nag-imbestiga na umano ang Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) at lumitaw na walang ganitong pangyayari.


Ayon sa farmer leader na si Hilaria Jamandre, handa umano nilang samahan si Asec. De Mesa na makaharap ang pamilya ng nagpakamatay na magsasaka.

Kinontra rin ng grupo ang pahayag ni De Mesa na mataas na ang presyo ng bilihan ng National Food Authority (NFA).

Facebook Comments