Isang guro na nagdrawing ng ‘3D effect’ na house plans, viral

Image via Joanna Taboada on Facebook

Isang guro na nagdrawing ng ‘3D effect’ na house plans ang nag-viral dahil sa natatangi nitong kakayahan gamit lamang ang chalk at blackboard.

Ibinahagi ni Joanna Taborada ang caption na, “The Legendary Technical Drafting Teacher of Tagum National Trade School.”

Agad na nag-viral ang post at humanga ang mga netizen sa kaniyang galing at ‘detailed’ na pagguhit ni Mrs. Albarracin.


Dagdag pa ni Joanna, hindi lang technical drafting ang tinuturo ni Mrs. Albarracin kundi pati landscaping at pagtatanim ng gulay.

May mga nagkomento rin kung paano magturo si Mrs. Albarracin at kung gaano ito kahusay.

Umabot na sa 18,200 likes, 1,700 comments at 17,500 shares ito sa Facebook.

Facebook Comments