Isang gusali sa Bogota, tinaguriang pinakamalaking patayong hardin sa mundo

Manila, Philippines – Kinilalangayon bilang pinakamalaking patayong hardin sa mundo ang isang gusali sa Bogota,Colombia.
 
Ang Edificio Santalaia aynag gusaling may labing-isang palapag na tinatakpan ng isang daan at labinglimang libong mga halaman.
 
Bukod dito, tinaguriandin ito bilang ‘The Green Heart of Bogota’.
 
Mula sa kolaborasyon ng Spanishgreen designer na si Paisajismo Urbano at Colombian Company Groncol, naitayoang napakagandang hardin na ito noong Disyembre ng taong 2015.
 
Ito ay naging isangpaalala sa kahalagahan ng mga halaman sa buhay ng tao. 

Facebook Comments