Isinailalim sa lockdown ang isang gusali sa Pasay City matapos magpositibo sa COVID-19 ang isang tenant.
Ayon kay Barangay 40 Zone 5 Chairman Diosdidet Morales, isang 53-anyos na seafarer mula sa Cebu ang nagpositibo sa COVID-19.
Dumating siya sa lungsod ng Pasay noong ika-28 ng Hunyo mula sa Cebu at pansamantalang nananatili sa isang kwarto sa Galvez Building.
Nabatid na pasakay na sana ng barko ang seaman pero nagpositibo ito sa swab test.
Dahil dito, isinailalim na rin sa lockdown ang kwarto kung saan tumuloy ang seaman habang inilagay na rin sa quarantine ang 13 na nakasama nito sa silid.
Dinala naman na sa quarantine facility ang nasabing seaman habang inaalam na rin kung sinu-sino ang nakasalamuha nito.
Facebook Comments