Mas mainam na sa telebisyon na lamang manuod ng huling hirit ng mga kampanya o miting de avance ng mga tatakbo sa eleksyon 2022.
Sa Laging Handa public press briefing, partikular na pinayuhan ni National Task Force Against COVID-19 Medical Adviser Dr. Ted Herbosa ang mga nakatatanda, may mga sakit o immunocompromised individuals at mga hindi bakunado.
Ayon kay Dr. Herbosa, asahan na ang pagdagsa ng supporters mamaya dahil huling araw na ito ng pangangampanya.
Kaya payo nito sa vulnerable sectors na huwag nang makiisa at makipagsiksikan pa upang makaiwas na mahawaan ng COVID-19.
Aniya, nananatili pa rin kasi ang banta ng COVID-19 at sub-variants nito kaya walang puwang ang pagpapabaya.
Sa mga lalahok naman aniya sa huling campaign sorties, dapat ay isuot nang tama ang facemask at kung maaari ay iwasan ang pagkukumpulan.