Kaya pang maihabol ang nasa 8 hanggang 9 na milyong mga Pilipino na target maturukan ng 3rd dose o booster shot bago tuluyang bumaba sa pwesto si Pangulong Rodrigo Duterte sa ika-30 Hunyo.
Sa Laging Handa public press briefing sinabi ni Dr. Rontgene Solante, isang Infectious Disease Expert na bumagal lamang ang bakunahan dahil naging abala ang mga lokal na pamahalaan sa nakalipas na campaign period.
Pero dahil tapos na ang eleksyon sa bansa, mas makaka focus na ang mga lgus at mapapa igting narin ng Department of Health (DOH) ang ating vaccination program.
Ani Dr. Solante, mahalagang mabigyan ang publiko ng booster shot bilang paghahanda saka sakaling makapasok sa bansa ang mga bagong variants ng COVID-19.
Aniya, posibleng maiwasan ang naka ambang COVID-19 surge kung bakunado at boosted na ang lahat.
Base sa pinakahuling datos ng DOH nasa 12-M pa lamang ang natuturukan ng booster shot mula sa 67.2 million na mga Pilipinong fully vaccinated laban sa COVID-19.