Pabor ang isang eksperto sa planong paglalagay ng vaccination areas sa mga polling precinct.
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Dr. Edsel Salvaña, infectious diseases expert na mas maganda kung gagawin itong istratehiya na ito upang mas mailapit ang bakuna sa publiko.
Aniya, mas gusto ng mga tao ang mas convenient sa kanila ang vaccination sites kung saan sa ganitong paraan ay posibleng madami ang maengganyo na magpabakuna.
Ang mahalaga lamang ani Salvaña ay masunod ang protocols upang mabawasan ang risk o pagkukumpulan na posibleng maging superspreader event.
Matatandaang plano ng National Vaccination Operations Center (NVOC) na magtayo ng vaccination sites sa mga polling precinct nang sa ganon bago o pagkatapos bumoto ay mabigyan ng bakuna o booster shot ang ating mga kababayan.