Isang health expert, pabor na turukan na rin ng 2nd booster shot ang iba pang mayroong comorbidities

Pabor si Dr. Rontgene Solante, isang Infectious Diseases Expert na palawakin na ang pagtuturok ng 2nd booster dose.

Sa Laging Handa Public press briefing, sinabi ni Dr. Solante na napatunayan kasing malaki ang tyansa na mauwi sa severe case kapag tinamaan ang isang indibidwal ng COVID-19 lalo na kapag ito ay may karamdaman o comorbidity.

Mataas din ang risk na mauwi sa kamatayan kapag may comorbidity ang nagkaroon ng COVID-19.


Kasunod nito umaasa si Dr. Solante na ikokonsidera ito ng Vaccine Expert Panel at isama na rin sa mabibigyan ng 2nd booster shot ang may mga karamdaman.

Aniya, sapat naman ang suplay ng bakuna sa bansa.

Sa ngayon kasi tanging immunocompromised, mga nakatatanda at medical health workers pa lamang ang may GO signal para maturukan ng 2nd booster dose.

Facebook Comments