Isang healthcare worker na may COVID-19 at naturukan ng bakuna, binawian ng buhay

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na isang healthcare worker na may COVID-19 at nabakunahan ang nasawi nito lamang Lunes, March 15.

Ayon sa DOH, agad na nagsagawa ng imbestigasyon ang Regional at National Adverse Events Following Immunization committee kaugnay ng insidente.

Matapos ang kanilang imbestigasyon, lumilitaw na walang kinalaman sa bakuna ang pagkasawi ng nasabing health worker at COVID-19 ang ikinamatay nito


Hindi naman binanggit ng DOH kung anong bakuna ang naiturok sa nasawing health worker.

Nilinaw rin ng DOH na ang COVID-19 vaccines ay hindi nagdudulot ng COVID-19.

Ayon sa DOH at Food and Drug Administration (FDA), ang mga bakuna ay solusyon para matapos na ang COVID-19 pandemic.

Pero kahit nabakunahan na ay dapat pa ring sumunod sa minimum public health standards.

Muli ring hinikayat ng DOH at FDA ang health workers na magpabakuna lalo na at nakikita ang surge ng COVID-19 cases sa maraming lugar.

Iginiit din ng DOH at FDA na milyong katao na sa buong mundo ang nabakunahan kontra COVID-19 at may mga ebidensya na nagpakita ng benepisyo nito laban sa malalang kaso ng COVID-19.

Facebook Comments