Isang Helper sa Santiago City, Isabela, Huli sa Pagbebenta ng Marijuana!

154

*Santiago City, Isabela- *Timbog ang isang helper at kabilang sa listahan ng mga Drug Identified sa lungsod ng Santiago matapos maaktuhang nagbebenta ng ipinagbabawal na gamot sa brgy. Buenavista, Santiago City, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Benedict Jose Bustamante, bente kwatro anyos, binata, isang helper at residente ng brgy. Nagassican, Santiago City.


Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, inaresto si Bustamante ng mga kasapi ng Santiago City Police Station 1 kasama ang iba pang mga ototridad matapos bentahan ang isang police poseur buyer ng isang pakete ng tuyong dahon ng Marijuana na nakabalot sa isang diyaryo.

Nakumpiska rin sa pag-iingat ng suspek ang isa pang pakete ng tuyong marijuana at ang limang daang pisong marked money.

Hawak na ng PNP Santiago ang suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Facebook Comments