Isang higanteng kalabasa, bumida sa isang kumpetisyon sa California

34

Panghimagas – Tuwang-tuwa ang isang lalaki matapos nitong manalo sa 44th world championship pumpkin weigh-off na ginanap sa half Moon Bay, California.

Maituturing na world record ang hawak na kalabasa ni Joel Holland kung saan mayroong itong bigat na 2,363 pounds o katumbas na 1,070 kilograms.

Ito na ang ika-pitong beses na nanalo si Joel sa nasabing kumpetisyon at dahil dito, nakuha niya ang premyo na may $7.00 per pound o kabuuang $16,541.00 (P851, 282.00).

Sinasabing kinailangan pa ni Joel ng forklift para lamang madala nito ang kaniyang kalabasa at umaasa siyang makakasama na siya sa listahan ng Guiness World Record.

Facebook Comments