Isang hinihinalang tulak ng ipinagbabawal na gamot, arestado sa Marikina City

Arestado ng mga operatiba ng Marikina City Police Station Drug Enforcement Unit at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang hinihinalanag tulak ng ipinagbabawal na gamot sa ikinasang buy-bust operation sa kahaban ng I.S. Senga St., Brgy. Calumpang, Marikina City.

Kinilala ang suspek na si John Patrick Rodriguez y Miranda, alyas Peng, 35 anyos at residente ng no. 65 J.B Miguel St., Bambang, Pasig City.

Ayon sa Marikina PNP, nakuha sa suspek ang tinatayang 15 gramo ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng P102,000.00, isang pirasong kulay berdeng pouch, isang cellphone, isang kulay itim na Yamaha Mio Sporty motorcycle, at P1,000.00 na buy-bust money.


Paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang kasong isinampa laban sa naturang suspek.

Facebook Comments