Isang Holdaper sa San Mateo, Isabela, Nadakip Na!

82

Ramon, Isabela- Nahuli na ngayong araw, Marso 15, 2018 ang isa sa mga apat na holdaper at nagnakaw sa dalawang mekaniko na naitala noong Agosto 28, 2017. Ang nahuli ay kinilalang si Gregorio Caspillan, 34 anyos, may asawa at residente ng Raniag, Ramon, Isabela. Nadakip si Caspillan sa isinagawang Warrant of Arrest ng PNP Ramon mula sa inihaing mandamyento de Aresto ni hukom Raul B. Babaran ng RTC Branch 19, Cauayan City, Isabela. Magugunita na noong Agosto 28, 2017 ay nagsagawa ng panghoholdap ang grupo ni Caspillan sa bahay ng biktima na si Henry Vinuya at Janos Alvin Vinuya, mga pawang mekaniko at residente ng Brgy. Sinamar Sur, San Mateo, Isabela. Natangay ng grupo ni Caspillan mula sa bahay ng biktima ang isang J7 cellphone na nagkakahalaga ng 15,000 pesos, isang keypad cellphone na nagkakahalaga ng walong daang piso (800.00), dalawang Laptop na nagkakahalaga ng 30,000 pesos, isang Sony camera na nagkakahalaga ng 15,000 pesos, Fujifilm camera na nagkakahalaga ng 30,000 pesos, Nikon camera na nagkakahalaga ng 35,000 pesos, dalawang ATM cards at iba pa. Hawak na ngayon ng PNP Ramon si Caspillan na mahaharap sa kasong Roberry at pansamantalang makakalaya kung maglalagak ng pyansang dalawang daang libong piso (200,000.00). Tags: Ramon pulis, Lord Wilson Adorio, Richard Gatan,Melanio Vinoray, Ramon, San Mateo, Isabela, Luzon, dwkd985cauayan, RMN Cauayan

Facebook Comments