Isang hollywood director, napagkamalang long-lost father daw ni Rabiya Mateo

Isang hollywood director at producer ang napagkamalan ng netizens na long-lost father daw ni Miss Universe-Philippines 2020 Rabiya Mateo.

Sa isang Instagram post ni Rabiya, makikita ang pagkakahawig ng hollywood director na si Cyrus Nowrasteh sa ama ng beauty queen.

Inakala tuloy ng mga netizen na muling nakasama ni Rabiya ang kaniyang matagal nang nawalay na ama.


Si Nowrasteh ang nasa likod ng pelikulang “The Young Messiah” noong 2016 at “The Stoning Of Soraya M,” na nanalo ng Audience Award for Best Feature sa 2009 Los Angeles Film Festival.

Facebook Comments