Isang hukom sa Capiz, kinastigo ng SC

Pinagmulta ng Supreme Court (SC) ang isang hukom mula sa Capiz dahil sa pakikialam nito at tangkang pagharang sa pagpapatupad ng writ of execution sa isang civil case.

Partikular ang isang kaso sa ari-arian kung saan partido ang kanyang maybahay na lantaran daw na ginamitan ng huwes ng impluwensya at pananakot.

Apatnapung libong multa ang ipinataw ng Korte Suprema kay Judge Hannibal R. Patricio ng Municipal Circuit Trial Court sa President Roxas-Pilar, Capiz.


Ito ay matapos mapatunayan na guilty si Judge Patricio sa kasong three counts ng Conduct Unbecoming of a Judicial Officer.

Ayon sa Kataas-Taasang Hukuman, partikular na nalabag ng hukom ang Canon 2, Sections 1 at 2, gayundin ang Canon 4, Sections 1 at 2, ng New Code of Judicial Conduct for the Philippine Judiciary.

Nagbabala naman ang Supreme Court (SC) na mas mahaharap si Judge Patricio sa mas mabigat na parusa kapag inulit pa nito ang paggamit sa kanyang kapangyarihan sa pag-impluwensya sa mga kaso.

Facebook Comments