Isang human rights group, nangangamba na tumindi ang political persecution kasunod ng pag-alis ng Pilipinas sa ICC

Manila, Philippines – Nangangamba ang human rights group na Karapatan na mas tumindi pa ang pag-atake sa mga human rights defenders ngayong pormal nang kumalas ang Pilipinas sa International Criminal Court o ICC.

Ayon kay Karapatan Deputy Secretary General Roneo Clamor, isa itong indikasyon ng kawalan ng interes ng gobyerno na imbestigahan at papanagutin ang mga nasa likod ng extrajudicial killings (EJK) sa war on drugs.

Sinabi pa ni Clamor na bagaman at itinatanggi ng Pangulo na wala siyang iniuutos na patayin ang mga sangkot sa operasyon ng droga, madalas naman na marinig ang pagbabanta nito sa kaniyang mga talumpati.


Tiniyak ng grupo na kahit umalis na sa ICC ang Pilipinas, maghahanap pa rin sila ng ibang venue o platform upang makakuha ng hustisya ang mga biktima ng EJK.

Facebook Comments