ISANG IDOL NA LOKAL ARTIST MULA SA SAN CARLOS CITY, KILALANIN

Isa si Alve Calugay Ferrer sa mahusay at talented artist na tubong Tarectec, San Carlos City na inspirasyon ang kanyang ama sa pag-guhit. Mula pagkabata ay nahiligan niya na itong gawin. Ayon sa kanya, napapasaya siya ng kaniyang mga artworks na pinaghihirapan at mula sa puso niya ang pagdrawing.
Isa rin sa kanyang dahilan kung bakit nais niyang gawan ng artworks ang mga ibang tao dahil nais niyang maging masaya at mapawi ang kanilang kalungkutan lalo na sa mga nakaranas ng depression o anxiety. Sa pamamagitan ng kaniyang mga artworks ay macomfort daw niya ang mga tao.
Ang kanyang mga ginagawang klase ng artworks ay Graphite pencil, charcoal, colored pencil,ballpoint art, at acrylic painting at kung ano pa raw ang kanyang mapag-aralan. Siya rin ay nakapag-impromptu art na rin sa plaza ng nasabing bayan.

Maraming natuwa sa kaniyang artworks at na-appreciate din siya ng mga taong nakakakita sa kanyang talento. Nais niya ring sabihin sa kaniyang mga young and fellow artist, ituloy lang kung anong nasimulan dahil walang masamang mangarap. |ifmnews
Facebook Comments