Sabi nga nila “Life isn’t a race”. Kahit matanda na, may pagkakataon pa ring sundin ang mga pangarap at passion kung kaya’t kilalanin natin si Tatay Benjamin Sampaga Naoe o kilala bilang Tatay Ben na tawag sa kaniya ng karamihan, 79 years old na tubong San Jacinto, Pangasinan. Si tatay Ben ay isang 4th year AB Political Science na ngayon sa isang unibersidad sa Dagupan City.
Ayon sa kanya, siya ay may anim na anak. May kanya kanya naring pamilya. Siya ay isang anak ng magsasaka. Hindi siya nakatapos ng High School dahil mas inuna pa niya ang magtrabaho at mangibang bansa para matustusan ang pangangailangan ng kanyang pamilya at mga anak. Nang siya’y nakapag-ipon na, napagtapos narin ang kanyang mga anak sa kolehiyo. Sa ngayon, siya rin ang suportado ng pamilya sa kanyang pag-aaral. Kahit na matanda na si Tatay Ben ay sinunod pa rin niya ang kanyang pangarap na makapagkolehiyo. Marami rin ang natuwa sa kaniya katulad na lamang ng kanyang mga kabataang kaklase pati narin ang kanyang mga professors.
Ang mensahe niya sa mga kabataan ngayon ay magsumikap sa pag-aaral. Kapag may gusto, may paraan kapag ayaw, maraming dahilan. Tunay nga na nakaka-inspire si Tatay Ben dahil sa kanyang strong personality at tiyaga kahit na malayo pa ang binabyahe kapag papasok ay malakas pa rin ang kanilang pangangatawan. |ifmnews
Facebook Comments