Isang Impeachment Lawyer, iginiit sa Ombudsman na unahin ang mga malalaking anumalya na mayroon nang ebidensya

Hinamon ni Impeachment Lawyer Larry Gadon ang Ombudsman na unahing asikasuhin ang mga nakabinbing malalaking anumalya na kumpleto na ang mga ebidensya.

Ginawa ni Gadon ang pahayag kasunod ng pag-iimbestiga ng Office of the Ombudsman kay Secretary Francisco Duque III at ibang opisyales ng Department of Health (DOH).

Naniniwala si Gadon na kung tunay na may pagkakamali si Duque, dapat na magsagawa muna ng audit ang Commission on Audit para malaman ang mga katotohanan.


Iginiit ni Gadon na aksyunan na ang apat na taong nakabinbin na maituturing nang hayag at may nakalap na ebidensya.

Tinukoy ni Gadon ang isyu ng ang kaso hinggil sa mga naglahong Yolanda Fund, ang kaso ng SAF 44, ang MRT mess, ang mga nawaldas na pondo ng Philhealth at ang Dengvaxia scam na kumitil sa buhay ng sa mahigit isang-daan biktima na mga bata.

Facebook Comments