Isang impeachment lawyer, kumbinsidong walang batayan ang balak na impeachment case laban kay Guanzon

Manila, Philippines – Naniniwala ang isang impeachment lawyer na walang matibay na batayan ang balak na paghaharap ng impeachment case laban kay Comelec Commissioner Rowena Guanzon.

Ayon kay Atty. Larry Gadon, misguided o masyado lamang nagpapadala sa emosyon si Ronald Cardema.

Duda si Gadon na magagawa ni Guanzon na mangikil katulad ng ipinaparatang ni Cardema.


Wala aniya sa ugali ni Guanzon na mangikil.

Sa katunayan, hinihimok niya noon si Guanzon na mag-apply bilang associate justice sa Korte Suprema dahil sa kaniyang integridad.

Si Guanzon ang tanging boses noon na bumangga kay dating Comelec Chair Andres Bautista.

Idinagdag ni Gadon na pareho niyang kaibigan sina Guanzon at Cardema.

 

Una na umanong lumapit si Cardema kay Gadon para maging abogado pero tinanggihan nito dahil sa wala na sa katwiran ang mga ipinapahayag ng kinatawan ng Duterte Party-list.

Facebook Comments