Isang impeachment lawyer, nanawagan na ng quo warranto case laban kay SC Associate Justice Marvic Leonen dahil sa hindi umano pagsusumite ng SALN

Nanawagan na ang impeachment lawyer na si Atty. Larry Gadon para mapatanggal bilang Associate Justice ng Korte Suprema si Marvic Leonen.

Nauna nang lumiham sa Office of Solicitor General (OSG) si Atty. Gadon na humihiling na maghain ito ng quo warranto petition laban kay Leonen.

Ito’y matapos na lumitaw na sa panahon na naglingkod ito sa University of the Philipines, hindi siya nakapagsumite ng kaniyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN).


Sa kanyang column ngayong araw, kinumpirma ni dating Ambassador Rigoberto Tiglao na sa pagtatrabaho ni Leonen sa University of the Philippines faculty noong 1989 at bilang Vice President for Legal Affairs noong 2005 at UP Law School Dean noong 2008, hindi ito nagsumite ng SALNs.

Ito’y mula 1989 hanggang 2003, at mula 2008 at 2009

Umalis siya sa UP noong July 2010 para magsilbing chief negotiator ng gobyerno sa Moro Islamic Liberation Front.

Sa kaniyang liham kay Solicitor General Jose Calida, sinabi ni Gadon na kung natanggal noon si Maria Lourdes Sereno bilang punong mahistrado ng Supreme Court dahil sa pagkawala ng integridad nito dahil sa hindi pag-file ng SALNs sa UP, hindi rin malayong mai-apply ang naturang standard kay AJ Leonen.

Facebook Comments