ISANG INDIBIDWAL ARESTADO SA DRUG BUY-BUST OPERATION

CAUAYAN CITY – Arestado ang isang indibidwal matapos ang ikinasang drug buy-bust operation ng Diffun Police Station sa Brgy. Aurora West, Diffun, Quirino.

Ang suspek ay kinilalang si alyas “Seth”, at nasa hustong gulang.

Sa operasyon, nakuha mula sa suspek ang isang (1) pirasong heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, isang genuine P1,000 peso bill bilang buy-bust money, isang card, at isang cellphone.


Matapos maaresto, dinala ang suspek at mga ebidensya sa Diffun Police Station para sa kaukulang dokumentasyon at mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments