
Isa ang napaulat na nasawi dahil sa pananalasa ng Bagyong Tino.
Ayon ito sa inilabas na situational report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kaninang alas-sais ng umaga.
Batay sa ulat ng NDRRMC, mula sa Central Visayas ang napaulat na nasawi.
Sa ngayon, wala pang inilalabas na impormasyon hinggil sa pagkakakilanlan ng nasawi, habang patuloy pa rin ang isinasagawang beripikasyon ng NDRRMC.
Samantala, wala pa namang napaulat na nasugatan o nawawala dahil sa paghagupit ng Bagyong Tino.
Facebook Comments









