Isang infectious disease expert, sang-ayon sa pagtaya ng WHO na matatapos na ang pandemya ngayong 2023

Sinegundahan ng isang infectious disease expert ang assessment ng World Health Organization (WHO) na ngayong taon maaaring matapos na ang pandemya.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Infectious Disease Expert Dr. Edsel Salvana na lahat aniya sila sa scientific community ay positibong magiging endemic na ang sitwasyon.

Ibig sabihin, naririyan pa din sa sirkulasyon ang COVID-19 pero gaya ng ilang karamdaman tulad ng sipon, influenza at iba pa ay predictable na ang magiging impact.


Aniya pa maaring mayroon pa ring mamamatay dahil mayroon aniya talagang nagkakaroon ng severe COVID at may ilan pa ding ayaw magpabakuna.

Ganunpaman, may kakayahan na ngayong magkaroon ng predictions for impact at hindi na magkakaroon ng tinatawag na pagka-overwhelm sa mga ospital na ibigsabihin ay kaya nang i- manage ang COVID katulad ng ibang public health threats na endemic na rin.

Facebook Comments