Isang International Peoples’ Tribunal, isinagawa kanina sa UP Diliman upang kasuhan ang IMF at World Bank

Nagtipon tipon ang iba’t ibang organisasyon mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo sa UP Diliman upang daluhan ang isang International Peoples’ Tribunal upang kasuhan ang International Monetary Fund (IMF) at ang World Bank.

Ito ay dahil sa umano’y mga paglabag ng IMF at world bank sa ang mga krisis sa mga tao at komunidad sa buong mundo dahil sa kanilang mga aktibong tungkulin sa pagtulak ng mga pautang at pagtaas ng pagkakautang sa Global South.

Pinangunahan ng Asian Peoples’ Movement on Debt and Development (APMDD) ang panawagan sa pagpapanagot at paghingi ng reparasyon.


Kung kadalasan ay ipinagkakait ang hustisya sa mga legal platform, ang civil society naman ngayon ang maghahain ng asunto.

Ito ang kauna-unahang inilunsad ang isang International Peoples’ Tribunal sa bansa.

May hiwalay ring katulad na aktibidad sa Nepal, India, Africa at Latin America.

Ang pinal na hatol ay nakatakdang ilabas sa publiko sa panahon ng IMF at World Bank’s Spring Meetings sa Abril 2025.

Facebook Comments