Isang janitor na nang-holdap sa isang estudyante, arestado; Kasamahan nito, nakatakas sa Mandaluyong City

Magpapasko sa loob ng kulungan ang isang janitor matapos na mang-holdap sa isang estudyante sa harapan ng Honda Motors na matatagpuan sa Shaw Boulevard, Brgy. Addition Hills, Mandaluyong City.

Kinilala ang suspek na si Jomar Tarnate Tañajura, 27-anyos, isang janitor habang ang biktima ay nakilalang si April Samuel, 19-anyos, estudyante.

Batay sa imbestigasyon ng Mandaluyong PNP, naglalakad umano ang biktima kasama ang kanyang kaibigan sa Shaw Blvd., Barangay Addition Hills nang lapitan ng suspek ang isa pang kasamahan nito at tinutukan ng kitchen knife si Samuel at sapilitang kinuha ang kanyang cellphone na nagkakahalaga ng P8,000; at ipinasa sa kasamahan nito pagkatapos ay mabilis na tumakas pero napansin ito ng nagpapatrolyang si Bantay Bayan Jose Galope na itinapon sa kalsada ang dala-dala nitong patalim at tumakas umano ang kasamahan ng suspek, bitbit ang cellphone ng biktima.


Nang magkaroon ng komprontasyon sa Brgy. Pleasant Hills, sinabi ng suspek na ibabalik niya ang cellphone sa pamamagitan ng kanyang asawa kung saan ay agad din na dumating ang asawa ni Tarnate at ibinalik sa biktima ang kinuha nitong cellphone.

Nakapiit na sa Mandaluyong Police Station ang naturang suspek habang pinaghahanap pa ang kasamahan nito na hindi pinangalanan ng suspek.

Facebook Comments