Isang Japanese National, biktima ng vehicular accident patay sa QC

Namatay on the spot ang isang Japanese National na manager ng isang call center agent matapos maaksidente sa Quezon City.
Kinilala ang biktima na si Toshiya Ishigaki 45 Manager ng isang call center.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya pasado alas onse kagabi sakay ng kanyang Yamaha Fino kulay white brown si Ishigaki at binabaybay ang kahabaan ng Commonwealth Avenue Brgy. Old Balara Quezon City nang maaksidente.
Makalipas ang ilang minuto mangyari ang aksidente mayroong nagpost sa Facebook na nagsasabi na nabundol ng kotse Toyota Vios ang naturang Japanese National.
Agad na nagtungo sa pinangyarihan ng aksidente ang Criminal Investigation and Detection Unit sa pag-aklang binaril ang biktima dahil duguan ang ulo nito.
Paliwanag ng mga imbestigador isasailalim nila sa otopsiya ang naturang Japanese National at kapag napatunayan na talagang naaksidente sa lansangan ay ituturn over nila sa QC Traffic Sector ang kaso.

Facebook Comments