Isang kadete mula sa PNPA, patay matapos suntukin nang limang beses sa sikmura ng upperclassman nito

939

Isang kadete mula sa Philippine National Police Academy (PNPA) ang nasawi matapos parusahan ng kaniyang upperclassman ng limang suntok sa kaniyang sikmura.

Ayon kay Police Corporal Ramil Legaspi, isang witness ang nagsabing kailangang sumailalim sa “road test” ng biktimang si Cadet Third Class George Karl Magsayo dahil sa mali nitong nagawa.


Batay pa sa ulat, si Cadet Second Class Steve Ceasar Maingat ang nanuntok kay Magsayo nang limang beses dahilan para mawalan ito ng malay.

Agad naman itong binigyan ng first aid pero paliwanag ni PNPA Public Information Chief Louie Gonzaga ay idineklara na itong dead on arrival nang isinugod sa Qualimed Hospital sa Santa Rosa, Laguna.

Sa ngayon, pagtitiyak ni Gonzaga na gumugulong na ang imbestigasyon upang malaman ang katotohan sa likod ng trahedya.

Facebook Comments